^

Punto Mo

Sino’ng dakila at sino ang tunay na baliw?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKARIRIMARIM na agos ng pulitika ang dinaranas ng Pilipinas sa kamay ng mga pulitikong walang nasasaisip kundi ang makalamang at maghari sa kanilang nasasakupan sa anumang paraan.

Ang mga nakagigimbal na isyu kung papaano pinangangasiwaan ng kongreso ang pondo ng gobyerno na inutang pa ay nakaatang pa rin naman sa balikat ng bawat isang pilipino. Pinakikinabangan nila ang kamangmangan ng mara­ming botante na imbes na ipaunawa nila ang pangkalahatang responsibilidad ng bawat isang mamamayan ay binubulag pa nila sa gawain nilang pagnanakaw.

Sa mga lokal na pamahalaan lamang tayo nakakarinig ng maayos na pakikipag-ugnayan sa kanilang nasasakupan kahit hindi lahat sa kanila ay may totoong pagmamalasakit. May ilang mga local officials tayo na totoong nagmamalasakit sa kanilang nasasakupan tulad nina Pasig Mayor Vico Sotto at QC Mayor Joy Belmonte ngunit marami pa rin sa kanila ang iresponsable at magnanakaw. Alam mo ba ‘yan Jonvic?

Nakakahiya sa mga bansang dati’y nakatingala sa atin dito sa Southeast Asia ang pamumulubi natin dahil sa pagnanakaw ng mga pulitikong nagmula pa mandin sa mga relihiyoso at prominenteng mga pamilya. Inutang na nga, ninanakaw pa!, hindi ba kabaliwan na kung iboboto pa ang katulad nila muli?

Nagpahirap ng todo sa taumbayan noon ang kadakilaan ng liderato ng ­Kongreso at Senado sa pamamahagi ng Priority Development Assistance Funds (PDAF) at ngayon naman ay mga unprogrammed appropriations na nakahanda bilang panustos  sa mga proyektong pampulitika. Lumitaw na  unconstitutional ito at bilang mambabatas ay dapat na alam nila ito maliban na lamang kung nabaliw na talaga dahil sa katakawan. Tandaan, ang kasalo ng baliw at makademonyo ay kapwa baliw at demonyo! O ayan BBM, Bodgie Dy, Win Gatchalian magpapakadakila pa ba kayo?

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with