2 Pinay inakalang ka-date ang 2 Chinese; ginapos at hinoldap
MANILA, Philippines — Isa sa dalawang Chinese national na umano’y nangholdap at nagkulong sa dalawang babaeng Pilipina na niyaya nilang makipag-date sa isang condominium unit sa Pasay City noong Nobyembre 3 ang naaresto ng pulisya.
Kinilala ang suspek na si alyas “Chengbing Zheng” o “Chen Mingaho”, na nadakip ng mga tauhan ng Pasay City Police sa isang transient house sa Quirino Ave., Baclaran, Parañaque City, dakong alas-2 ng madaling araw noong Nobyembre 4. Tinutugis pa ang kasama nitong si alyas “Xian.”
Batay sa imbestigasyon, nagkakilala ang dalawang biktimang edad 31 at 36 at ang dalawang suspek sa Club ZZYZX sa Malate, Maynila, bandang alas-5 ng madaling araw noong Nobyembre 3 hanggang sa magkayayaan sa isang condominium unit sa Pasay.
Subalit pagdating sa condo, iginapos at binusalan umano ng mga suspek ang dalawang babae gamit ang tela bago tinangay ang dalawang iPhone 12 Pro Max na nagkakahalaga ng kabuuang P40,000 at P3,000 cash.
- Latest

















