^

PSN Showbiz

Animated series ng Lego, eere sa local tv!  

Pilipino Star Ngayon
Animated series ng Lego, eere sa local tv!   

MANILA, Philippines — Mapapanood ang iba’t ibang animated series mula sa Lego tampok ang mga kwento ng ninja, dinosaur at superhero sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, at Kapa­milya Channel, simula ngayong Nobyembre 7.

 Unang mapapanood ng viewers ang Lego City Adventures na umiikot sa buhay ng mga residente ng Lego City, kabilang ang isang masigasig na pulis, isang mabilis mag-isip na hepe ng bumbero, at iba pang manggagawa sa komunidad. Sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin at pagsisikap na mapanatiling maayos ang lungsod, mapapasabak sila sa iba’t ibang hindi inaasahang sitwasyon at nakatatawang pakikipagsapalaran.

 Kasama rin sa lineup ang Lego Ninjago Dragons Rising, Ninjago Spinjitzu, Jurassic World: Legend of Isla Nublar, LEGO Star Wars: Droid Tales, at marami pang iba.

 Mas pinalawak ng nasabing Lego line-up ang mga animated series na hatid ng ABS-CBN, kabilang ang Tagalog-dubbed na Crayon Shin-Chan, na napapanood sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel at iWant.

LEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with