Zalameda bagong Supreme Court Chief Justice

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang ika-28th chief Justice.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Lino Cayetano na kung saan ay pinalitan ni Zalameda, 63 taong gulang si Chief Justice Alexander Gesmundo na umabot na sa mandatory retirement age na 70 ngayong araw.
Binigyang pugay ni Cayetano ang mahigit tatlong dekadang natatanging paglilingkod ni Zalameda sa sistema ng hustisya sa bansa.
Kinilala rin aniya ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang may sapat na karanasan at matatag na paninindigang liderato para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyong panghukuman sa pagpili kay Zalameda.
- Latest




















