^

Probinsiya

Ilegal na pagawaan ng paputok sumabog: 5 lasog

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Ilegal na pagawaan ng paputok sumabog: 5 lasog
Naunang sinabi ng hepe ng PNP na magpapatupad sila ng guidelines base sa Executive Order 28 na nakasaad ang Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.
STAR / File

MANILA, Philippines — Lima katao kabilang ang pito taong gulang na batang babae ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan sa naganap na pagsabog na lumikha ng sunog sa isang ilegal na pabrika ng paputok sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Francisco Sawadan Jr., hepe ng Malasiqui Municipal Police Station (MPS) ang nasabing ilegal na pagawaan ng paputok ay sikreto umanong nagsasagawa ng operasyon sa isang inabandonang bakery sa gitna ng isang bukirin sa Brgy. Tabo Sili ng nasabing munisipalidad. 

Bandang alas-7:45 ng gabi nang makarinig ng malakas na pagsa­bog ang mga residente ng Brgy. Tabo Sili at kata­bi nitong Brgy. Calbueg mula sa ilegal na pagawaan ng paputok bunsod upang magresponde sa lugar ang mga tauhan ng Malasiqui MPS at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa mga residente, sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang kanilang narinig sa lugar na inakala pa nilang maagang praktis sa selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon dahilan sa mga pailaw na pumailanglang sa himpapawid.

Kabilang sa mga nasawi na nagkalat ang mga nasunog na mga bangkay ay isang 15-anyos na batang babae, isang 15-anyos na batang lalaki na ang nagutay na mga labi ay sumabit pa sa puno ng malunggay, at dalawa pang lalaki na nagkakaedad 24 at 26-anyos.

Samantalang ang 7-anyos na batang babae na malubhang nasugatan ay tuluyan namang binawian ng buhay sa pagamutan. 

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 35-anyos na may-ari ng ilegal na pagawaan ng paputok at isang 13-anyos na batang lalaki. Sa lakas ng pagsabog, ayon sa opisyal ay ­napinsala rin ang isang Toyota Hilux pickup truck, isang tricycle, at isang motorsiklo.

Sa pahayag ng mga opisyal ng barangay hindi nila batid na ang abandonadong bakery ay ginawang pagawaan ng ilegal na paputok. Ang malakas na pagsabog ay lumikha rin ng sunog na tumupok sa nasabing pasilidad.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa kasong ito upang alamin ang halaga ng pinsala sa pagsabog at ano ang pinagmulan nito

PAPUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with