BINI aiah, nabawi sa unggoy ang shades!

“Good news. I got my shades back hahaha.”
Ito nga ang huling update na ibinigay ni BINI Aiah tungkol sa shades na pilyong hinablot ng isang unggoy habang siya’y nagpapa-picture sa Bali, Indonesia nitong Undas break.
As of presstime, almost 3 million views na ang nasabing short video na in-upload ni BINI Aiah sa kanyang TikTok account
Caption niya rito ay, “Sneaky monkey haha.”
‘Kaaliw ang netizens, na ang ilan ay nagsabi pang masuwerte ang naturang unggoy dahil mamahalin nga ang hinablot na shades.
Siguro raw nagandahan ang unggoy sa shades ni Aiah kaya pinag-interesang nakawin.
- Latest




















