Ice, hindi na nakipagsabayan sa malalaki ang boses

Matagal nang associated kay Ice Seguerra sa isang tinig, gitara at kakayahang mapakinig ang mga tao sa isang lugar. Kaya pagkatapos magkaroon ng koneksyon sa mga manonood sa pamamagitan ng kanyang digital performance show na Ice Sings!, dadalhin niya ang nasabing curiosity sa Music Museum para sa Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits ngayong weekends - Nov. 6 and 7.
Para kay Liza Diño—creator, producer, at creative director ng Ice Sings! —nagsimula ang ideya sa isang tanong na bigger than any one style of music. “What defines Ice if you take away the genre?
“For me, he’s a storyteller. He can sing a song people have heard a hundred times and somehow make them feel like it’s being told to them personally,” sabi ng misis ni Ice.
Ang quality na iyan ay naroroon noong umusbong si Ice bilang isang acoustic artist. Sa panahong ang pop performances ay kadalasang pinapaboran ang mas malalaking boses at mas malalaking areglo, kaya niyang maglakad sa entablado dala ang isang gitara at mapalapit sa mga tao sa pamamagitan lamang ng pagkanta. “That voice-and-guitar intimacy became his signature,” Diño says.
“But it was never the full extent of what he could do. We wanted to give him space to explore everything else that lives in him as a performer.”
Sa mga nakalipas na taon, bumuo si Seguerra ng koleksyon ng mga orihinal na kanta at niyakap ang kanyang papel bilang isang singer/song-writer. Kasabay nito, nais niya ng freedom na umawit nang hindi limitado sa iisang genre—mga kantang mahal niya, mga kantang sana ay siya ang sumulat, at mga kantang ang mga kuwento ay kaya niyang ibahagi sa sarili niyang paraan.
At ito ang nagbigay-daan sa Ice Sings! bilang isang digital show.
Simple lang ang konsepto nito: pipili si Ice ng isang kanta, ibabahagi kung bakit niya ito nagustuhan, at aawitin ito ayon sa kanyang sariling istilo.
“Ice told me, ‘I just want to sing whatever I want to sing.
“The digital show gave him that space. It also lets people hear another side of him—playful, curious and willing to follow a song wherever it takes him,” ayon pa kay Dino.
Tumugon noon ang mga manonood sa emosyong dala ni Ice sa mga pamilyar na kanta. “Talagang naramdaman at naunawaan ko ang lyrics. Isa kang storyteller, Ice,” ayon sa isang listener.
May mga iba namang bumilib kung gaano naiiba ang isang kanta sa kanyang boses. Matapos marinig ang kanyang bersyon ng Part of Your World, sinabi ng isang manonood na binigyan niya ang kanta ng bago at mas malalim na kahulugan.
Isang fan ng Les Misérables ang nagdiin sa kanyang pag-awit ng I Dreamed a Dream; ang isa naman ay nagsabing ang I Don’t Know How to Love Him ??ay nagpa-goosebump sa kanila.
Anyway, ito ang simula ng mas malawak na Ice Sings! An Intimate Concert Series.
Future editions could explore Love Songs, Cinema and OSTs and Standards—different musical worlds connected by the same artist at their center.
“The repertoire will change, but that’s precisely the point,” Diño says. “The genre doesn’t tell Ice who to be. He brings his own soul to a song, whether he’s interpreting one he grew up with or creating an original song today.
“When Ice sings, you can feel comforted. You can feel transported. Sometimes you find yourself singing along; sometimes you just sit there and let the song hold you,” she adds. “That connection is the common thread. Whatever the genre, you know it’s Ice.”
Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits takes place on Nov. 6 and 7, 2026, at 8:00 p.m. at the Music Museum.
- Latest



















