Wilbert at Bea, wife at husband material ang tingin sa isa’t isa

Isa sa mga pinakasikat na tambalan ngayon ay ang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Binene.
Maraming proyekto na ang nakagawa sa nakalipas na taon kaya lubos ang pasasalamat ng dalawa. “We’re just so grateful na ang daming blessings na nangyari from our first pairing. Sunud-sunod talaga and nanganganak talaga ‘yung blessings na ‘yon to other blessings din,” nakangiting bungad sa amin ni Wilbert sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para naman kay Bea ay isang malaking responsibilidad ang lahat ng tagumpay na tinatamasa nila ng aktor ngayon. “It’s also a big responsibility. The expectations of everybody, the pressure siyempre nando’n. But overall I’m just very grateful because of the trust that we’re getting, the love and the support that we’re getting. Not just from the fans but from our management as well,” pahayag ni Bea.
May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na sa totoong buhay sina Wilbert at Bea. Ano na nga ba ang tunay na estado ng kanilang puso ngayon? “We got really close. Ako, I really appreciate her as she is. Okay naman kami, Tito Boy. Basta ngayon we’re just enjoying each other’s company. We enjoy working together and I think lumalabas siya sa mga projects namin na sobrang komportable namin talaga. Feeling ko do’n din nanggagaling ‘yung chemistry on screen sa mga projects namin,” paglalahad ng aktor.
Maituturing umano ni Wilbert na isang wife material si Bea. “Alam ko talagang wife material siya kasi maalaga siya. Masarap siyang magluto tapos talagang mapagmahal sa mga tao sa paligid niya,” giit ng binata.
Husband material naman ang tingin ng dalaga sa aktor. “Of course, he’s very masipag and responsible. Thank you. It’s nice that someone sees you na gano’n po. It’s not something mababaw or something for you to be labelled as wife material. That’s something deeper, ‘di ba?” dagdag naman ni Bea.
Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling gumawa ni Bea ng proyekto sa GMA. Matatandaang unang sumikat ang aktres bilang child star sa bakuran ng Kapuso network. “I’m freelance right now. I’m managed by Viva but in terms of networks naman, freelance po ako. I love working with the people here. I think naman I didn’t burn any bridge. Kumbaga, nakakausap ko pa sina Tita Annette (Gozon). I always say that being here, being in GMA, it will always feel familiar. So, if given a chance po, I would love to,” pagbabahagi ng aktres.
Sampung taon naman ang nakalilipas nang unang sumabak si Wilbert sa show business. Hindi man naging madali para sa aktor ang trabaho ay hindi naman daw kailan man naisipang sumuko ni Wilbert. “Wala, never. It’s not really easy, ‘yung pinagdaanan ko and until now may mga gano’n pa ring nangyayari sa akin. Pero hindi ko naisipan na sumuko. Kasi I’m really sure about ano ang gusto kong gawin. Ano ang gusto kong abutin,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest





















