76-anyos kuya, dedbol sa 74-anyos utol
Alitan sa minanang lupa
MANILA, Philippines — Sa mismong araw ng Undas ay tinapos ng magkapatid ang kanilang matagal nang alitan nang tagain sa leeg ng isang 74-anyos na lolo ang kanyang kapatid na 76-anyos sa loob ng kanilang bahay sa Zone-1, Brgy. Buenavista, San Fernando, Camarines Sur.
Namatay noon din ang 76-anyos na si Tiburcio dahil sa tinamong malalim na taga sa leeg mula sa utol nitong si Juaning, may-asawa, kapwa residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi ay muling naungkat ang matagal nang iringan ng magkapatid sa lupang minana pa nila sa kanilang mga magulang.
Nagkaroon ang dalawa na mainit na pagtatalo hanggang kumuha ng itak si Tiburcio at biglang tinaga sa leeg ni Juaning ang nakatatandang kapatid na duguang humandusay.
Makaraang mapaslang ang kapatid ay sumuko ito sa mga barangay tanod at kapitan ng barangay na siyang nagdala sa police station. Nakatakdang kasuhan si Juaning ng parricide.
- Latest















