Xi Jinping dumalo sana sa ASEAN Summit -- Malacañang
MANILA, Philippines — Inihayag ng Malacañang na umaasa silang personal na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas ngayong Nobyembre 2026.
Sinabi kahapon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, itinuturing ng Palasyo na isang magandang pagkakataon ang posibleng pagdalo ni Xi Jinping upang mapag-usapan at maresolba ang mga isyu o “gusot” na namamagitan sa mga bansa sa rehiyon, partikular na ang tensyon sa pagitan ng Maynila at Beijing.
“Kasi kaya nga po ito summit, para kung ano man ‘yun mga issues among the region ay mapag-usapan at maayos”, ayon pa kay Castro.
Wala namang detalye si Castro kung inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Xi Jinping na dumalo sa ASEAN Summit.
Nauna nang sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa China noong Enero 2023 na inimbitahan niya si Xi Jinping na bisitahin ang Pilipinas.
Ang ASEAN Summit ay gaganapin ngayong Nobyembre 16-18, 2026 dito sa Pilipinas.
- Latest















