RK at Jane, pinagagaling ang puso noong mga bata pa!

Mahigit limang taon nang magkasintahan sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Magkasundo sa halos lahat ng bagay ang magkasintahan.
Ayon kay RK ay talagang ginagawa nila ngayon ni Jane ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila na parang mga bata. “Individually we’ve grown older and wiser pero together we’re kids at heart eh. It’s very important. Hini-heal namin ‘yung mga puso namin no’ng bata kami. We play video games. We eat anywhere we want. We stay up hanggang morning watching series. We buy things that we don’t really need but it’s fun kasi parang no’ng bata ako, parang gusto namin ‘yan. Those are the things, and best friend namin ang isa’t isa,” nakangiting pahayag sa amin ni RK sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mahalaga para sa aktor ang pagiging matalik nilang magkaibigan ni Jane. Ayon kay RK ay normal lamang sa isang relasyon na nagkakaroon din ng mga hindi pagkakasunduan paminsan-minsan. “Normal na away lang, we go through that. But I think, ngayon ‘yung reset ang pinaka-importante. How long do you hold it in? Kasi minsan, it’s silly for you na pahabain pa,” pagtatapat ng binata.
Aminado si RK na pareho silang seloso ni Jane. “Pareho kami, (ako) tahimik hanggang mapansin na, ‘Uy! May problema ba?’ (Si Jane) Gano’n din, tahimik. Minsan iniisip ko, ‘Gutom ba ‘to?’ Tapos mag-o-offer ako ng food. Pero eventually, mag-o-open up din ‘yan. Then ‘yon nga, may pinagdadaanan and then I just assure,” pagtatapos ng aktor.
Kyline, mas masaya sa ‘freedom!’
Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Kyline Alcantara at Kobe Paras noong isang taon. Ngayon ay wala pang bagong kasintahan ang Kapuso actress dahil sa kanyang mga naranasan. “You can say that it’s a conscious effort on my part. But honestly, I’m not dating anybody right now. I’m not even entertaining anybody. I guess, maybe I’m too young to say this, but I just got so tired of the whole cycle of getting to know someone and blah, blah, blah. I just got hurt so much. And that’s why I don’t want to date for now,” makahulugang pahayag ni Kyline sa ABS-CBN News.
Ayon sa Kapuso actress ay mas marami siyang mga bagay na nagagawa kapag walang kasintahan. Mahalaga para kay Kyline ang pagiging malaya bilang isang babae. “Oh, I will always have freedom. Siguro, I love the extra freedom, I guess. I will always have freedom but mas iba ‘pag single. Kasi hindi mo kailangang magpaalam and all that,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest




















