Aga napaghandaan ang Miracle...

All-out lagi ang suportang ipinakita ng pamilya ng twin sister ni Andres Muhlach, na siyang unang sumubok sa musical sa pamamagitan ng Bagets The Musical na joint production ng The Philippine STAR, Viva Communications and Newport World Resorts, na si Atasha Muhlach sa katatapos lang na Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
Proud si Andres sa ipinamalas na performance ni Atasha gayundin ang kanilang parents na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.
Ngayong pareho nang pinatunayan nina Andres at Atasha ang paggawa ng musical, ang kanila namang amang si Aga ang suportado ng kambal dahil meron itong 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) film entry, ang sequel ng hit Korean movie adaptation ng Miracle in Cell No. 7 na unang ginawa ni Aga nung 2019 at nag-number one sa 2019 MMFF.
Ito’y muling pinamamahalaan ni Nuel Naval mula sa script ni Mel Mendoza-Del Rosario with Kapamilya actress Jodi Sta. Maria as Aga’s leading-lady. Kasama pa rin sa nasabing pelikula sina Xia Vigor, Joel Torre, JC Santos, Cris Villanueva, Soliman Cruz at iba pa.
Samantala, sa aming recent visit in Tokyo, Japan ay naka-dinner namin ang Tokyo-based writer-director na si Donie Ordiales, ang director ng pelikulang Crosspoint na pinagbidahan ng Japanese Hollywood actor na si Takehiro Hira, Carlo Aquino, Sho Ikushima, kasama sina Dindo Arroyo, Ian de Leon at kung saan may special participation ang popular Filipino singer in Japan na si Marlene de la Peña (Lim).
Ayon kay Direk Donie ay meron umano siyang magandang material for Aga Muhlach where he would play the role ng isang bida-kontrabida. Pero kailangan niyang makahanap ng producer nito.
Although sa Tokyo siya naka-base, willing umano siyang umuwi ng Pilipinas just to shoot the movie kung makakakuha siya ng producer.
Gusto rin ni Direk Donie i-pitch ang material kay Aga.
Magkakapatid na VMX stars, gustong tularan si Jaclyn!
Aminado ang Razote sisters at VMX stars na sina Angela Morena, Stephanie Raz at Micaella Raz na may hangganan ang kanilang pagpapaseksi.
Five years from now ay umaasa sila na makakahanap sila ng guys na magmamahal sa kanila nang tapat at handa silang pakasalan at bumuo ng sariling pamilya.
“By then siguro ay may kanya-kanya na kaming pamilya,” wish ng panganay sa magkakapatid na si Angela na tapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo gayundin si Stephanie.
Pangarap din nila na sana’y pare-pareho silang makatawid sa mainstream na hindi na magre-require sa kanila na magpaseksi.
Sa tatlo, nakapag-uwi na ng Best Actress trophy si Angela para sa pelikulang Pagdaong sa kauna-unahang CineSilip Film Festival. Nakagawa rin siya ng pelikula with Richard Gomez sa pamamagitan ng Salvageland na tinampukan din ni Elijah Canlas nung nakaraang taon. Ito’y pinamahalaan ni Direk Lino Cayetano who also produced the movie in cooperation with Viva Films.
Idolo ng tatlo ang yumaong si Jaclyn Jose na kahit nagpaseksi sa mga naunang pelikula ay lumitaw ang pagiging mahusay nitong aktres.
Hinahangaan din ng magkakapatid sina Amy Austria, Gina Alajar at Rosanna Roces.
Sila ay pamangkin ng singer-actress at dati ring sexy star na si Lara Morena na longtime partner ngayon ng dating host at newcaster na si Paolo Bediones.
- Latest

























