^

Police Metro

PNP: No shoot-to-kill order vs Bato

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Philippine National Police (PNP) ang mga panawagang “shoot-to-kill” laban kay Bato Dela Rosa.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa gitna ng kumakalat na pekeng pahayag na nananawagan umano ng shoot-to-kill order laban sa Senador.

Ayon kay Nartatez, hindi bahagi ng kanilang polisiya ang paggamit ng labis na puwersa sa pag-aresto at mananatili itong nakabatay sa batas at tamang proseso.

Naglabas ng pahayag ang PNP matapos itanggi ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan ang mga post sa social media na nag-uugnay sa kanya sa panawagang maglabas ng “shoot-to-kill” resolusyon laban kay Dela Rosa.

Ayon kay Suan, pawang gawa-gawa ang mga ito at hindi niya kailanman binigkas ang naturang pahayag.

Binigyang-diin ni Nartatez na dapat igalang ang due process at karapatang pantao sa lahat ng operasyon ng pulisya.

Aniya, hindi dapat isakripisyo ang mga legal na proseso sa paghahangad ng pananagutan at dapat pairalin ang disiplina at propesyonalismo sa pagpapatupad ng batas.

Nahaharap si Dela Rosa sa arrest warrant kaugnay ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) at may nakalaang P50 milyong pabuya para sa ikadarakip niya.

BATO DELA ROSA

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with