2027 SEA Games calendar nabawasan
MANILA, Philippines — Mababawasan ang mga paglalabanan sa 34th edisyon ng Southeast Asian Games na idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na taon.
Ito ay matapos tagpasin ang siyam na events sa listahan.
Kasama sa mga tinanggal ng Malaysia Southeast Asian Games organizing committee ang fencing, kickboxing, ju-jitsu, chess, wrestling, rowing, canoeing, traditional boat racing at handball.
Noong 2025 SEA Games sa Bangkok, Thailand, nanalo ang Pilipinas ng dalawang ginto sa ju jitsu habang may tig-isang ginto ito sa kickboxing, rowing at wrestling.
Ilang bansa na ang umalma sa pagkakatanggal ng mga naturang events kabilang na ang Singapore na humakot ng walong gintong medalya sa fencing.
Napaulat din na dismayado ang Vietnam na may 30 gintong medalya ang mawawala sa kanilang kaban mula sa 87 gintong napanalunan nito noong 2025 SEAG.
Sa kabilang banda, nagdagdag ang host Malaysia ng ilang events kung saan ito malakas.
Isa na rito ang bowling na may 22 gintong medalyang paglalabanan sa 2027 SEA Games ? malayo sa anim na ginto na nakataya noong 2025 edisyon.
Aprubado rin ang padel, dancesport, teqball, ice hockey at kabaddi.
Ito ang unang pagkakataon na masisilayan sa SEA Games ang padel.
Nauna na itong nilaro sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan noong Setyembre.
- Latest
















