^

Police Metro

Guro, minartilyo ng 15-anyos anak

Pang-masa

Bangkay itinapon sa septic tan

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 46-anyos na guro nang paghahatawin ng martilyo sa ulo ng binatilyong anak na nagalit sa ginawang paninita ng ina sa kanyang pagliban sa paaralan, naganap sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Looc, Panglao, Bohol noong Sabado.

Nadiskubre lang ang krimen nang makaamoy ng masangsang ang mga kapitbahay mula sa nakabukas na abandonadong septic tank na pinagpipiyestahan ng mga bangaw at nang silipin ay nakita ang bangkay ng guro.

Agad rumesponde ang pulisya sa lugar  nang ireport ng mga opisyal ng barangay  ang insidente at naiahon ang bangkay ng biktimang guro.

Sa report ng Bohol Provincial Police Office (PPO), nangyari ang krimen sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw noong Oktubre 31.

Nang makita ng binatilyo ang mga pulis ay nangi­nginig ito at ng imbestigahan ay  inamin ang ginawang krimen.

Inamin ng binatilyo na apat na beses niyang pinukpok ng martilyo sa ulo ang ina na ikinasawi nito.

Kinaladkad nito ang bangkay ng ina saka itinapon sa isang abandonadong septic tank na tinabunan ng mga bato para itago ang krimen.

Nakuha  rin sa tahanan ng mag-ina ang duguang martilyo na ginamit ng binatilyo sa krimen.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nairita ang binatilyo sa laging pagsita ng  ina sa palaging pag-absent at cutting class na  nangangamba sa patuloy na pagbaba ng grado.

Isinailalim naman sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyo dahilan kinikilala ang kaso bilang ‘child in conflict with the law”. -Joy Cantos-

NEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with