Ate Gay, ayaw mababakante!

Muling nagluluksa ang industriya ng stand-up comedy dahil sa pagpanaw ni Ate Gay noong November 1 na All Saints Day mismo.
As of yesterday nga ay trending siya, dahil sa rami ng mga nagpo-post nang pamamaalam sa kanya.
May ilang nag-post ng video na magkasama sina Ate Gay at Chokoleit, at nag-react ang ibang nakaalam na talagang dating magkasama ang dalawa nung nagsisimula pa lang silang magso-show.
Ang una ngang nag-produce ng show nilang dalawa ay ang una nilang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes. Naisama pa sila minsan sa mga pelikula ng namayapang director.
Pero hindi nga naging successful ang show nilang dalawa, pagkatapos nun ay hinayaan na sila ni Direk Maryo na i-handle ng ibang talent management group.
Nagtagal silang dalawa dahil sa magaling naman talaga sila, at tuluy-tuloy na silang nakakaraket sa mga show sa iba’t ibang lugar.
Si Ate Gay ang tipo ng artista na ayaw mabakante. Gusto niya tuluy-tuloy ang trabaho, kaya lagi ko siyang niraraket noon.
Nung nakaraang eleksyon ay malaki-laki rin ang kinita niya sa naraket ko sa kanya, na talagang tinanggap niya kahit tinawad-tawaran siya nang husto.
Para sa kanya, basta kaya lang niya at puwede na ang budget, tinatanggap niya iyun. Kesa mapunta pa sa iba, kukunin na niya ito.
Nang nagkasakit nga siya nung nakaraang taon, tinawagan niya ako para humingi ng tulong sa mga nako-contact kong pulitiko.
Medyo na-praning ako nun dahil kalalabas ko lang din ng hospital na kung saan doon din siya na-confine. Hindi na siya nakatawag sa akin ulit, dahil siguro marami na ang nagpaabot ng tulong sa kanya.
Sabi nga ni Arnell Ignacio, iba raw talaga ang dedikasyon ni Ate Gay sa trabaho. “Pagmamahal niya yun sa trabaho niya e,” pakli ni Arnell nang mag-guest sa showbiz talk show na Kalurks sa GTV.
“Although, hindi kami nagkatrabaho. Sa Music Box kasi, madalas siya dun. Pag nagho-host siya, e bihira na makikita mo na…ano talaga, galing sa kanyang creativity na ginagawa niyang mash up songs ba yun? And yung jokes na kanyang kina-crack, e si Ate Gay,” dagdag niyang pahayag.
Nababahala rin si Arnell sa sunud-sunod na pumanaw na mga stand up comedians. Kagaya nang napapag-usapan ng ilang taga-showbiz, mahalaga talagang ingatan ang ating kalusugan.
Sabi pa niya sa Kalurks nung Linggo; “Isa sa pinakamahirap sa akin i-process e yung may Arnel Tamayo. E kasi si Arnel ay kababata ko.
“Kasi, kilala ko si Arnel, ang taas lagi ng energy. Hindi ko ngayon maintindihan kung paano ko…paano ang gagawin ko pag makita kitang hinang-hina and then finally, he passed on.
“Hindi ko siya mapuntahan, kasi hindi ko alam ang gagawin. So, yun na lang. With all these nagtatrabaho sa sing along, it can be very very taxing sa health, kasi una puyat ka lagi. And then ang dalas-dalas n’yo pa umiinom.
“Lahat nang health hazards kasi naging parang standard na kalakaran. So, take care of your health, and the kind of food that you eat. Kasi mahirap e.
“Kasi nga masaya e. Nagtatawanan kayo. So, akala mo ganun ka katibay. You’re not Superman, and do also check out how old you are.
“Siyempre, yung katawan mo hindi naman pareho nung mga balingkinitan pa tayo na disisais-anyos. But this makes us very very sad lalo na kay Ate Gay. Kasi parang bigla yung mga memories mo babalik lahat,” saad pa ni Arnell Ignacio.
Michael, nagsalita tungkol sa kanila ni Mavy
Sa mediacon ng concert na GenZ Heartthrobs, ipinaliwanag ni Michael Sager kung bakit pinatay na ang karakter na ginagampanan niya sa Born to Shine.
Dapat ay siya ang leading man doon ni Zephanie, pero bakit nga siya pinatay na? “Alam nyo po. Nag-conflict po kasi talaga sa scheduling. Inilaban ko yun. Kasi yung, the way back to you, same taping day siya. Pero sayang. I really love that show, and masaya lang for to be part of That,” saad ni Michael.
Hiningan namin siya ng reaction sa natsitsismis na nag-attitude raw ito kaya pinatay na lang ang karakter niya. “Naku! I’m very confident to myself na wala naman,” bulalas ni Michael.
“Yung last day namin halos mangiyak-iyak ako kasi mami-miss ko talaga silang lahat. Lahat kami nabigla na mamamatay na yung character ko. Nalaman ko lang few days before the taping mismo,” dagdag niyang pahayag.
Maayos naman daw siyang nagpaalam sa lahat ng mga kasamahan niya sa BTS. At nag-usap pa nga raw sila nang masinsinan ni Zephanie.
Na-extend kasi ang Born to Shine, kaya nasagasaan na sa hosting niya sa Pinog Brother Collab 3.0.
Pero itong pagpasok naman ni Michael sa PBB ay may intriga pang nakakabit dahil sa hindi na kasali sa hosts si Mavy Legazpi.
Ang interpretasyon ng iba ay siya ang ipinalit kay Mavy dito sa PBB. “Ito po kasing PBB it’s been again a full circle moment. Naging aspirant ako, naging housemate, tapos ngayon as a host.
“Feeling ko sumali ako sa pamilya ni Kuya at wala naman pong pinalitan. Wala namang ganung nangyari. Sinabi po ng management, ng network ko yung decision nila. And of course, I took the opportunity and I’m so thankful for it.”
Okay raw sila ni Mavy at hindi naman nakakaapekto ang ganitong isyu sa kanilang friendship.
Dagdag blessing din itong concert nilang GenZ Heartthrobs kasama sina Kelvin Miranda at Anton Vinzon na gaganapin sa New Frontier Theater sa January 15, 2027.
- Latest


























