Motor salpok sa barrier: Rider at pinsan patay

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Kapwa patay ang isang magpinsan makaraang bumangga sa concrete barrier ang kanilang sinasakyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Barangay Nasalaan sa bayang ito.
Ang mga biktima na parehong nagtamo ng grabeng kapisalaan sa kanilang mga ulo dahil walang mga suot na helmet ay kinilalang sina Shaun, 28, may- live in partner ng Barangay Butanguiad at Harry, 29, binata, ng Barangay Pagsangahan.
Base sa imbestigasyon ng San Francisco Municipal Police Station, bandang alas-12:30 ng hapon ay sakay sa isang Rusi Macho 155 motorcycle ang mga biktima na minamaneho ni Shaun at pauwi na sa kanilang mga bahay.
Habang binabagtas ng mga biktima ang kurbadang bahagi ng kalye sa Sitio Habaan, Barangay Pagsangahan ay nawalan ng kontrol sa manibela si Shaun at tuluyang binangga ang konkreting Harang sa Daan.
Tumilapon ang magpinsan mula sa motorsiklo at parehong una ang ulong bumagsak sa kalsada na agad nilang ikamatay.
- Latest

















