^

Metro

LTFRB, heightened alert sa balik Metro Manila na mga biyahero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTFRB, heightened alert sa balik Metro Manila na mga biyahero
Last minute travellers queue at bus terminals in Kamuning, Quezon City on October 31, 2026 as they head to their respective provinces for the Undas weekend.
Miguel de Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng milyun-milyong pasaherong babalik sa Metro Manila matapos ang Undas.

Ayon kay Acting LTFRB Chairman Greg Pua Jr., inatasan ang lahat ng regional offices na paigtingin ang pagbabantay sa mga terminal at transport hubs, kabilang ang random drug testing sa mga driver at inspeksyon sa mga bus at iba pang public utility vehicles (PUVs).

Mananatiling aktibo ang mahigit 80 help desk sa mga terminal upang tugunan ang mga rek­lamo ng pasahero, kabilang ang problema sa booking, diskuwento sa pamasahe, at kakulangan ng masasakyan. Samantala, nasa 1,200 bus ang pinagkalooban ng special permit upang makatulong sa pagdagsa ng mga biyahero.

Tiniyak ni Pua na magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng LTFRB hanggang sa maging normal ang daloy ng mga pasahero at operasyon sa mga terminal sa buong bansa.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with