^

Police Metro

Misis na pumatay sa mister na pulis, absuwelto-SC

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Korte Suprema ang isang misis na pumatay sa kanyang abusadong mister na isang pulis noong 2011 nang panigan ang depensang battered woman syndrome at iniutos na palayain ito.

Sa desisyong isinulat ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, binaligtad nito ang naging hatol ng Court of Appeals (CA) na pumanig sa naging desisyon ng mababang hukuman na nagpataw sa misis ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong kulong dahil sa parricide.

Inamin ng misis na binaril niya ang asawa at ginamit ang service firearm dahil sa nagdilim na ang kanyang isip sa hindi na makayanang pisikal at emosyonal na pang-aabuso.

Hindi na umano nagarap ng reklamo sa pulisya ang misis sa dahilang isang pulis din ang mister.

Lumabas sa rekord na tumagal ng mahigit dalawang taon ang pang-aabuso.

Noong Set. 16, 2010, naabutan niya ang asawa sa hotel kasama ang ibang babae at siya pa ang sinaktan.

Sa rami at haba ng panahon sa maraming emosyonal at pisikal na nararanasang tiniis niya, hindi na umano niya nakontrol ang sarili noong Pebrero 8, 2011, nang ihagis ng mister ang bunso nilang anak sa upuan, bugbugin siya, at pagbantaan na hindi siya makakaalis nang buhay, kaya nagawa niyang barilin.

Iginigiit ng OSG na dapat manatiling guilty ang misis, pero kinatigan ng SC ang depensa, sa ilalim ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) na ang biktimang may battered woman syndrome ay exempted sa criminal at civil liability kahit wala ang tatlong elemento ng tradisyunal na self-defense.

Ayon sa SC, dumaan ang misis sa hindi bababa sa dalawang siklo ng karahasan, nagkaroon ng learned helplessness at major depressive disorder, at ang kabuuan ng ebidensya ay sapat para patunayan ang systemic pattern ng pang-aabuso.

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with