Barbie, kinopya raw ang poison ni Sarah?!

Isyu ngayon sa fans ang parehong pagsusuot ng Poison Ivy costume nina Sarah Lahbati at Barbie Imperial.
May nag-akusa na ginaya ni Barbie si Sarah dahil naunang nag-Poison Ivy costume si Sarah.
Sa Instagram (IG) Story post ni Sarah, nakasulat na 2013 pa siya nagsuot ng Poison Ivy costume at si Barbie ay nitong 2026 na. Ang tagal ng gap, 13 years at hindi naman siguro alam ni Barbie ‘yun.
Mas tamang sabihing nagkataon lang na pareho silang naging Poison Ivy at dapat wala nang isyu, kaya lang ayaw papigil ng fans. Pati kung sino ang nauna kina Sarah at Barbie na mag-post sa IG story, inimbestigahan din ng fans.
Nalaman na naunang mag-post si Sarah bago mag-post si Barbie.
Kaya lang, alangan namang tsinek ni Barbie ang IG story ni Sarah at nang malamang nag-costume na siya ng Poison Ivy, saka nag-decide na gayahin. Hindi ganu’n kadaling mag-isip ng costume at tiyak, ilang araw pinag-isipan at pinaghandaan.
Case is closed na dapat ang isyung ito, walang isyu at ang fans lang ang nagpalaki. Mas tama talagang sabihin na coincidence lang ang lahat!
Papa P, nambitin sa bahay ni kuya
Pagkatapos pumasok sa Bahay ni Kuya nina Piolo Pascual, Inigo Pascual, Emilio Daez, River Joseph, Kyle Echarri at Darren Espanto, sina Mona Alawi at Niana Guerrero naman daw ang papasok.
Si Mona ay sister ni Ivana Alawi at si Niana ay isang sikat na dancer at influencer. Pareho silang kilala ng fans, abangan na lang natin kung sino sa male housemates ang kikiligin kapag nasa Bahay ni Kuya na ang dalawang magagandang babae.
Nang pumasok sina Piolo sa Bahay ni Kuya, hindi napigilang kiligin ng female housemates. Nagsigawan pa at may isang female housemate na nakunan ng camera na napanganga sa gulat. Nang magsalita, “Papa P” ang paulit-ulit na nabanggit.
Nanghinayang tiyak ang housemates, lalo na ang female housemates dahil sandali lang sa Bahay ni Kuya sila Piolo. Binati lang nila ng happy birthday ang isang female housemate na nag-birthday, konting tsikahan, kiligan, tawanan at umalis na sila. For sure, may mga gustong itanong ang housemates na hindi na nila nagawa dahil nga sandali lang sila nag-stay sa Bahay ni Kuya.
Wilbea, certified hit!
Certified hit ang Viva Films movie na Pee Mak dahil in 17 days showing, umabot na sa P90 million ang gross nito. Dahil extended ang showing nito dahil nga sinuportahan ng fans, siguradong aabot sa P100 million ang total gross ng movie. Baka nga, sumobra pa sa P100 million dahil parang may international screening ang movie.
May request ang fans na ibalik sa ibang SM cinemas ang nabanggit na pelikula at sisiguraduhin daw nila na bago pa maalis sa mga sinehan, naabot nito ang P100 million total gross.
Tinotoo at ginawa ng WilBea fans ang ipinangako nila kina Wilbert Ross at Bea Binene na gagawin nilang box-office ang first movie nila. Ayan, hindi lang sa salita kundi sa gawa nila pinatunayan ang kanilang pangako. Kaya ngayon, mapi-pressure ngayon ang Viva Films na bigyan agad ng follow-up movie project ang WilBea love team.
Hindi gugustuhin ng Viva Films na magalit o magtampo ang fans sa kanilang request. Ang kasunod na request ng fans, romance o love story naman ang next movie ng favorite love team nila. Gusto raw nilang kiligin habang nanonood at hindi naman siguro sila bibiguin ni Boss Vic del Rosario.
- Latest




















