^

Probinsiya

Misis binaril ni mister na city traffic employee

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Misis binaril ni mister na city traffic employee
Tinutugis na ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas “Michael”, 45-anyos, employee ng Bacoor Traffic Management Department, residente ng Sitio Malagihay, Brgy. Panapaan 3 Bacoor City, 
STAR / File

CAVITE, Philippines — Nasa malubhang kagalayan ang isang 37-anyos na misis matapos barilin ng kinakasamang empleyado ng Bacoor City Traffic Management  nang dahil lamang sa isang pagtatalo, kahapon ng madaling araw sa Sitio Malagihay, Brgy. Panapaan 3 Bacoor City.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas “Michael”, 45-anyos, employee ng Bacoor Traffic Management Department, residente ng Sitio Malagihay, Brgy. Panapaan 3 Bacoor City, 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3:15 ng madaling araw, nagtatalo habang magkasabay umanong umuwi ang suspek at biktima na si alyas “Normita”, 37 anyos.

Pagdating sa kanilang bahay, dito na umano mas tumindi ang away ng dalawa hanggang sa makarinig na lang ng putok ng baril ang mga kapitbahay. 

Lumalabas na binaril ng suspek ang biktima saka mabilis na umalis sa lugar sakay ng motorsiklo. 

Naitakbo naman agad sa Las Piñas District Hospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at kasalukuyang inoobserbahan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with