^

Metro

Lady rider sa hit-and-run ng 8-anyos, tinutugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lady rider sa hit-and-run ng 8-anyos, tinutugis
Ayon kay Taguig City Police Chief P/Colonel Julius Anonuevo, hu­mingi ng tulong ang mga magulang ng batang nabundol sa Magsaysay St., South Signal Village na madakip ang suspek na rider dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ng kanilang anak na patuloy pang ginagamot.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Taguig City Police sa publiko at motorista na tulungan silang matunton ang isang babaeng naka-motorsiklo na tumakas matapos mabundol ang 8-taong gulang na batang lalaki sa Taguig City, noong Oktubre 13.

Ayon kay Taguig City Police Chief P/Colonel Julius Anonuevo, hu­mingi ng tulong ang mga magulang ng batang nabundol sa Magsaysay St., South Signal Village na madakip ang suspek na rider dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ng kanilang anak na patuloy pang ginagamot.

Bigo umanong makilala ang suspek o makuha ang plate number ng motorsiklo kaya pakiusap ni Anonuevo na makipagtulungan ang sinumang nakasaksi at may impormasyon.

Maaari aniya, na may kuha sa CCTV o dash cam ang mga nakasaksi sa pangyayari na magagamit upang matunton ang suspek.

Tiniyak ng pulisya na itatago rin nila ang pagkakakilanlan sa mga taong makakatulong at makakapagbigay ng impormasyon.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with