^

Police Metro

4 katao nabagsakan ng metal truss

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa ikinakabit na LED wall

MANILA, Philippines — Sugatan ang apat na katao nang mabagsakan ng bahagi ng bakal na pi­nagkabitan ng audio at lights sa Filoil EcoOil Centre na ipinatayo ng organizer sa technical supplier para sa isang religious gathering sa San Juan City noong Oktubre 30 ng umaga.

Ayon kay San Juan City Police Chief P/Colonel Anthony Gantang, da­lawa sa sugatan ang mi­yembro ng religious organization habang ang dalawa ay ang crew at technician na nagkakabit ng LED wall.

Nakalabas na aniya, ng ospital ang tatlo habang­ ang isa ay patuloy pang inoobserbahan sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga nang ma­ganap ang pagbagsak ng metal truss.

Nilinaw ng San Juan City government na nirentahan lamang ang Filoil Centre.

“The collapse involved lights and audio trusses set up by the organizer’s own technical supplier. The Filoil Centre itself remains structurally sound,” ayon sa LGU.

Agad na rumesponde ang City Disaster Risk Reduction Management Office, Philippine National Po­lice at Philippine Red Cross.

Sasagutin umano ng technical supplier ang gastos sa pagkakaospital ng mga biktima.

Nabatid na inilipat na ang venue ng pagtitipon sa Makati City.

LED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with