^

Police Metro

Higit 2k katao inilikas sa pagputok ng Mayon!

Joy Cantos, Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa
Higit 2k katao inilikas sa pagputok ng Mayon!
Sa report na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) mula sa Albay Public Safety and Emergency Office (APSEMO), dakong alas-5 ng hapon noong Biyernes ay nasa kabuuan nang 746 pamilya o 2,041 katao ang inilikas.
Handout / Arren Christian Ventura / AFP

MANILA, Philippines —Mabilis na inilikas ang lokal na pamahalaan at mga awtoridad ng Albay ang nasa  mahigit 2,000 katao sa ilang lugar na nasasaklaw ng 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) sa lalawigan kasunod ng biglang pagputok ng Mayon volcano noong Biyernes.

Sa report na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) mula sa Albay Public Safety and Emergency Office (APSEMO), dakong alas-5 ng hapon noong Biyernes ay nasa kabuuan nang 746 pamilya o 2,041 katao ang inilikas.

Kabilang sa mga inilikas ay mga residente ng Tabaco City; Camalig at maging ang mga naninirahan sa Brgy. Baligang sa Ligao City.

Sa Tabaco City ay nasa 531 pamilya ang inilikas habang nasa 205 pamilya mula sa Camalig at 10 pamilya pa sa Ligao City.

Sa kasalukuyan, umiiral ang red alert status sa mga apektadong lugar habang patuloy ang monitoring sa kondisyon ng bulkan. Inalerto na rin ang mga residente rito na pinalikas sa 6-kilometer danger zone.

Namahagi na rin ang Provincial Health Office (PHO) ng nasa 22,000 surgical masks sa mga pasilidad ng kalusugan sa ilang mga lugar bilang proteksyon sa mga residente na apektado ng ashfall na ibinuga ng bulkang Mayon.

Samantala, inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang mga resources upang mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente sa pagputok ng Bulkang Mayon sa Labay.

Ayon sa DSWD, pina­kilos na nila ang kanilang Field Office (FO) 5-Bicol Region, at Social Welfare and Development (SWAD) Team upang makipag-ugnayan at tumulong sa pag­lilikas at pagbibigay ayuda sa mga pamilyang nakatira sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon matapos ang katamtamang pagsabog ng bulkan nitong biyernes.

Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nakikipag-ugnayan na ang naitalagang SWAD Teams sa Bicol  upang  makipag-ugnayan sa Camalig Municipal Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office (MDRRMO) para matulungan sila sa pre-emptive evacuation ng mga residente na nasa six-kilometer danger zone.

ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with