^

PSN Showbiz

Marvin, nakasungkit ulit ng Michelin Award!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marvin, nakasungkit ulit ng Michelin Award!
Marvin Agustin.
STRA/ File

Hindi lang sa school magaling si Principal Pio — pati sa kusina, award-winning!

Another reason to celebrate nga for actor and restaurateur Marvin Agustin as his restaurant Cochi once again earns the prestigious Michelin Bib Gourmand recognition!

Matapos mapabilang sa inaugural Michelin Guide selections sa Pilipinas noong nakaraang taon, muling napanatili ng Cochi ang pagkilalang ibinibigay sa mga restaurant na naghahain ng masasarap at de-kalidad na pagkain at great value.

At siyempre, hindi magpapahuli sa celebration ang kanyang longtime onscreen partner na si Jolina Magdangal, kasama ang buong cast, production team ng Mommy Guard, at ang TV5 family!

Kinikilig ang viewers sa tambalang Tina at Principal Pio sa Mommy Guard pero in real life, ibang klase rin ang achievements ni Marvin, na patuloy na pinagsasabay ang kanyang pagmamahal sa pag-arte at ang passion niya sa food business.

From being one of the country’s most loved leading men to becoming a successful restaurateur, patunay si Marvin na puwedeng magtagumpay sa iba’t ibang larangan kapag may sipag, puso at passion sa ginagawa.

Principal sa Mommy Guard. Michelin-recognized restaurateur in real life, iba talaga ang standards niya.

At habang patuloy na umaani ng tagumpay si Marvin sa restaurant business, abangan din ang kanyang nakakakilig at nakakatuwang moments kasama si Jolina sa Mommy Guard, Mondays to Fridays, 2:30 p.m. sa TV5 at ABS-CBN platforms. Available rin ang episodes sa Netflix at TV5 YouTube channel.

Anyway, opisyal ngang inilabas ng Michelin Guide ang kanilang selection para sa 2027, na nagtatampok sa 31 restaurants na nakatanggap ng pagkilalang Bib Gourmand.

Kinikilala ng kategoryang Bib Gourmand ang mga establishment na naghahain ng “exceptional food at great value.”

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with