^

PSN Showbiz

Alden, bubuksan ang bahay sa trick or treat!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alden, bubuksan ang bahay sa trick or treat!
Alden Richards.
STR/ File

Hini-heal ang inner child

Nagmistulang isang theme park ang bagong bahay ni Alden Richards sa isang exclusive subdivision sa Makati.

Pinalagyan kasi ng iba’t ibang nakatatakot na dekorasyon ang buong harapan ng tahanan na napapanahon ngayong Halloween. “For me it’s also a way of healing my inner child as well. Because growing up, wala akong vivid memory of me participating to a trick or treat. I really have a soft spot for kids, sobra.

“Kasi there are a lot of aspects that has been taken away when I was young. I was not able to live out my childhood. So ngayon, parang nahi-heal ‘yon sa akin kapag nakakagawa ako ng ganito,” paliwanag ni Alden sa 24 Oras.

Tinitiyak ng Asia’s Multimedia Star na ikatutuwa ng mga bata kapag nakita ang harapan ng kanyang bahay.

Ibinukas pa umano sa publiko ang pagpasok sa subdibisyon upang makapasyal sa harapan ng bahay ni Alden. “This is for the kids. This is not for me. This is not like to flex or to show off. I just want to give back because this year has been good to me. I can’t wait to see their faces,” nakangiting pahayag ng aktor.

Umaasa si Alden na makapagdudulot ng magandang alaala sa sino mang makakakita sa dekorasyon ng bagong bahay. “Sana maging core memory ‘to na, ‘No’ng nag-treat or treat kami sa bahay ni Kuya Alden...’ ito ‘yung naaalala nila,” pagtatapos ng binata.

David, nape-pressure kay Park seo-joon

Magbibida si David Licauco sa Philippine adaptation ng Korean drama series na Fight For My Way. Bilang paghahanda sa bagong romantic comedy project ay puspusang physical trainings ang ginagawa ng aktor.

Ayon kay David ay malaki ang maitutulong ng kanyang pagiging athletic para sa bagong serye. “I had to go through several Taekwondo trainings and MMA (mixed martial arts). ‘Yung hyrox nakakatulong ‘yon sa Taekwondo. Kasi ‘yung last time na ginawa naming Taekwondo, it was real eh. It was real sparring. Kung hindi ako nagwo-workout, kung hindi ako nagpa-hyrox, for sure two rounds pa lang, hindi ko na kaya,” nakangiting pagbabahagi ni David.

Gagampanan ng Pambansang Ginoo ang karakter ni Hans na pinasikat noon ni Park Seo-joon. Si Ashtine Olviga naman ang makakatambal ni David sa bagong serye.

Aminado ang aktor na nakararamdam ng pressure sa bagong proyekto. “There is some pressure pero I think it’s good to have pressure. Para mas galingan mo, mas sipagan mo ‘yung ginagawa mo. My responsibility is to prepare,” paglalahad ng Kapuso actor.

(Reports from JCC)

ALDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with