^

Probinsiya

2 sanggol, 58 pa nasagip sa tumagilid na RoRo

Tony Sandoval, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabilang ang dalawang sanggol sa nailigtas na 40 pasahero at 18 tripulante nang tumagilid na RoRo vessel sa Real, Quezon, Biyernes ng madaling araw, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson Noemie Cayab­yab, ang MV Virgen de Peñafrancia II na may kargang 1,300 litro ng langis ay nasa distansya na 10 metro lamang mula sa Real Port sa Barangay Ungos, Real, Quezon, nang tumagilid alas-12:25 kahapon Biyernes, Oktubre 30. Agad namang isinagawa ang rescue operation na natapos bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Batay sa paunang pagsisiyasat ng Coast Guard Northern Quezon, sinabi ng kapitan ng barko na napigtas ang isang tali (mooring rope) na nag-uugnay sa barko sa pantalan dahil sa malalakas na agos ng tubig, dahilan para maanod ang unahan (bow) ng barko nang mga 10 metro palayo sa pantalan. Sinubukan umano ng barko na maniobrahin pabalik ang sarili nito ngunit sumadsad ang unahan bago ito tumaob sa gawing starboard o kanan nito.

Ang sangkot na barko ay pag-aari ng Starhorse Shipping Lines Inc. ay patungo sa Real Port, na nagmula sa Polillo Port na may kargang 14 na rolling cargoes.

Inatasan na ng PCG ang shipping company na mag-apply ng Emergency Salvage Permit at alisin nang ligtas ang barko.

Ani pa ni Cayabyab, may kargang 1,300 na marine oil ang RoRo, na natural na natutunaw naman, ay naglatag pa rin ang PCG ng oil spill booms para protektahan ang baybayin.

Nagsasagawa pa ng imbentaryo ng diesel upang matukoy ang posib­leng idulot na polusyon.

Wala naman aniyang, magiging epekto sa mga dumaragsang pasahero ang insidente. - Angie dela Cruz

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with