^

Probinsiya

Nawawalang 11-anyos nene, ni-rape slay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng isang 11-anyos na batang babae na unang naiulat na nawawala matapos matagpuang patay na at hubo’t hubad sa isang masukal na lugar sa Zone-2, Brgy.Turague, Sañgay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Naaagnas na at natatakpan ng mga tuyong damo nang matagpuan ng mga residente sa gitna ng mga puno ng nipa ang bangkay ni “Joana,” residente ng naturang lugar, grade 6 estudyante ng Turague Elementary School.

Sa ulat, nitong Lunes ay inireport ng kanyang mga kamag-anak na nawawala ang bata. Huling nakita umano ang biktima noong Oktubre 25 na naglalaba malapit sa lugar kung saan siya natagpuang patay.

Dakong ala-1 ng hapon nitong Miyekules ay nakalanghap nang masangsang na amoy ang ilang napadaang residente at nang tingnan ay nagulantang ang mga ito sa nakitang bangkay ni Joana, na nasa state of decomposition na, habang bahagyang natatakpan ng mga tuyong dahon at damo ang walang saplot na katawan nito.

Isinailalim na sa auto­p­sy ang bangkay para malaman ang na­ging sanhi nang pagkamatay at tingnan kung nagahasa ang bata. Patuloy pa sa ginagawang imbestigasyon ang ­Sañgay Police at bumuo na rin ng special task group ang Camarines Sur Police Provincial Office upang mapalakas pa ang ginagawang imbestigasyon at matukoy ang posibleng salarin.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with