^

Pang Movies

Cherry Pie, wala nang kagalit-galit sa pumaslang sa kanyang ina

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Cherry Pie, wala nang kagalit-galit sa pumaslang sa kanyang ina
Cherry

Noong 2014, brutal na pinaslang si Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache, sa kanilang bahay sa Scout Lazcano, Quezon City. Nagtamo ito ng mahigit 30 saksak.

Ang suspek ay ang taga-linis ng bahay na si Michael Flores, na nahuli sa tulong ng CCTV. Motibo ay pagnanakaw at hinatulang makulong ng 20 hanggang 40 taon.

Ayon kay Cherry Pie sa I-Listen ni Kara David, sinugod niya ang suspek nang mahuli ito. Pero matapos ang tatlong taong proseso, napatawad niya ito at binisita pa sa bilangguan.

Malaking tulong daw ang 15 taon niyang prison ministry at pananampalataya. “Wala ka naman talaga ibang kakapitan kundi faith,” sabi niya.

Nagsimula ang pagpapatawad sa pagdarasal ng Our Father. Inamin ng aktres noong una ay puno siya ng galit at kagustuhang gumanti, pero naisip niyang wala siyang pinagkaiba kung gaganti rin.

Sa tulong ng kaparian, unti-unti niyang napatawad si Flores.

Malaking bahagi ng paghilom ay nang makita niyang nagsisisi si Flores. Hindi man ito humingi ng tawad, pinili pa rin niyang magpatawad.

“Pinatawad na kita, patawarin mo na sarili mo.

“To forgive is a grace. It’s a gift from God. You pray. You process it. Hindi kailangan madaliin. You hate the sin but not the sinner,” paliwanag niya.

Ngayon, si Flores na raw ang nagpapaaral sa mga pamangkin habang nasa kulungan.

Para kay Cherry Pie, hustisya pa rin ito dahil pinagbabayaran ng salarin ang kasalanan, pero nabibigyan ng pangalawang pagkakataon na maibalik ang dignidad bilang tao.

CHERRY PIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with