Eala sinibak si Gibson papasok sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Sumampa si Pinay tennis star Alex Eala sa quarterfinals ng WTA 500 Toray Pan Pacific Open matapos sibakin si Talia Gibson ng Australia, 4-6, 6-2, 6-0, sa kanilang Round of 16 match kahapon sa Tokyo, Japan.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng 21-anyos an si Eala sa kanilang tatlong pagtutuos ng 22-anyos na si Gibson matapos noong 2023 sa ITF tournaments.
Nauna nang pinatalsik ni Eala si British wildcard Mika Stojsavljevic, 6-1, 6-2, sa Round of 32.
Kumpara sa 17-anyos na si Stojsavljevic, nahirapan si Eala kay Gibson.
Kinailangang bumangon ang World No. 19 na si Eala mula sa 4-6 kabiguan sa World No. 38 na si Gibson sa first set para makatabla sa second frame, 6-2.
Gamit ang kanyang pamatay na serve at matutulis na groundstrokes, hinataw ni Eala ang 5-2 abante sa nasabing yugto para makahirit ng third set.
“I think the key was really staying in the match, never giving up,” sabi ni Eala.
Hindi na pinagbigyan ni Eala sa third frame para kumpletuhin ang kanyang pagresbak.
Sa quarterfinals muling makakasagupa ni Eala si World No. 13 Diana Shnaider ng Russia.
- Latest


















