Top 8 Filipino players magsasanay sa Japan

MANILA, Philippines — Walong Pinoy basketball players ang magkakaroon ng pambihirang pagkakataon na magsanay sa Japan matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Pocari Sweat ng “Live Your Dream with Pocari Sweat: Basketball Dream Project” Season 3 sa University of Southern Philippines Foundation sa Cebu City.
Kabuuang 32 dribblers ang naglaban para sa walong tiket sa programang inilunsad noong 2024 ng Pocari na pinamumunuan ni Ken Saito, ang President at Managing Director ng Otsuka-Solar Philippines, Inc. (OSPI).
“Pocari Sweat has always believed in supporting the youth by investing in programs that help them grow, achieve, and dream without limits,” sabi ni Saito.
“This initiative is our commitment to creating pathways for young athletes to succeed,” dagdag nito.
Ang mga napili ay sina Charles Nino Garcia (15) at Jose Victorio Suico (14) mula sa Cebu; Chazz Anthone Lesiguez (15) at John Miel Lachica (15) ng Iloilo; Zulcarnain Datumanong (13) at Jerruz Clinx Domingo (14) ng Cotabato; at Dexter Jacob Dandoy (15) at Jhun Lee Ibuos (14) ng Davao.
Layunin ng programa na palakasin ang mga Filipino athletes sa pamamagitan ng structured training, expert coaching at pagkakataong mapataas ang kanilang basketball skills at matupad ang pangarap nilang makalaro ng competitive basketball mula high school hanggang college patungo sa professional level.
Pinalawig ang Season 3 sa Visayas at Mindanao kung saan nagdaos ng siyam na regional tryouts sa Cebu, Iloilo, Cotabato at Davao na nilahukan ng kabuuang 652 aspiring players.
Ang program ay pinamahalaan ng mga Youth Development Coaches, kasama sina Rommel Rasmo (Cebu), Raffy Ynion (Iloilo), Phil Tuvieron (Cotabato) at Jess Evangelio (Davao) sa ilalim ni Dream Project Facilitator Coach Noli Ayo.
- Latest























