^

PSN Showbiz

Ang mga aso at alahas ni Korina Sanchez

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nung una kong nakita si Veteran Broadcast Journalist Korina Sanchez sa ABS-CBN newsroom nung OJT ako, medyo natakot ako. (maganda sya ha! hindi pang horror!)

Very madame kasi ang datingan nya. (parang susundin mo kahit ano iutos nya!)

Nung mag-host na ‘ko sa mga Red Carpet Events, nagkakaroon na ‘ko ng chance na makausap at ma-interview siya, may konting takot pa rin on my part, dahil very madame pa rin sya, pero nakakaaliw siyang interview-hin. (mukhang ok naman ata ako kay madame!)

Nung maging pareho kaming awardees sa Star Awards for TV, nakita ko sya ulit sa red carpet. (pero ‘di ako host nito kasi feeling awardee ako!)

Napansin kong hindi maganda ‘yung pwesto nya habang kinukuhan sya ng photographers. Lumapit talaga ako sa kanya para sabihing hindi maganda ilaw dun, at ipinuwesto ko sya sa tamang anggulo. (bilang alam kong mahalaga kay madame ang ilaw!)

Nung makita kong sumalang siya kamakailan sa Vlog ni Celebrity Alahera Charo Cordial ng Maddox Jewelry, naaliw na naman ako sa kung paano sya maging “candid” sa mga pagsagot nya kay Charo. (close ba sila?!)

Isa sa mga tinanong sa kanya ay ang kanyang asawang si Sir Mar Roxas. Dito nya inispluk na ginusto pala nya magkaroon ng pre-nup agreement bago ang kanilang kasal.

Kumausap pa sya ng lawyer para rito. (ako kaya pag kinasal, anong agreement?!)

“Ayokong pakialaman nya kung konting kinikita ko, kasi mahilig akong tumulong sa tao. At hindi ko rin papakialaman ang pera nya, dahil hindi naman ‘yan ang habol ko sa kanya.”

Pagbabahagi ni Korina. (pero laugh lang daw si lawyer kasi mas mayaman daw ang mapapangasawa nya, hanggang sa hindi na natuloy ang pre-nup!)

Nabanggit din sa interview ang kanyang pagmamahal sa mga aso’t pusa. Ibinahagi nya na tumutulong siyang bumuo ng mga no-kill animal shelter sa Siargao at Boracay at patuloy na nanghihikayat ng suporta para sa mga nasasagip na hayop. (afraid ako sa dogs, pero keri ko mga pusa!)

Bilang nasa jewelry shop sya ni Charo, namili sya ng alahas na umabot ng 1.1 million pesos. Ang say ni Madame: “I deserve it because I work very hard.” (true din naman!)

Pero ni-reveal ni Korina na hindi lahat ng alahas nya ay mamahalin.

May mga mumurahin din daw siyang isinusuot. “Ano pakialam nila kung nagsusuot ako ng fake?” (pero sure ako ayaw nya ng fake news!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

JOURNALIST

KORINA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with