^

Police Metro

Ama at baby nadaganan ng dump truck, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 42-anyos ama at ang kanyang 11-buwang gulang na sanggol habang sugatan naman ang kanyang ka-live in nang madaganan ang kanilang motorsiklo nang tumagilid na dump truck kahapon ng madaling araw sa Congressional Avenue, Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa paunang imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), bago naganap ang aksidente, alas-12:30 ng madaling-araw ay binabagtas ng motorsiklo ang kahabaan ng Congressional Avenue patungong Luzon Avenue kung saan ay kasabayan ang isang Isuzu dump truck na may kargang buhangin.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng dump truck na kinilalang si alyas “Randel,” 29, dahilan upang tumagilid at madaganan ang motorsiklong nasa tabi nito.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang mag-anak, subalit idineklarang patay ang ama at ang sanggol, habang ginagamot naman ang babae dahil sa tinamong mga pinsala.

Nagdulot din ng matinding pagsisikip ng trapiko sa lugar matapos kumalat sa kalsada ang buhangin mula sa dump truck at tumagas pa ang langis.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dump truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at pananagutan sa aksidente.

Posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries and damage to property, depende sa resulta ng imbestigasyon at pagsusuri ng mga otoridad.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with