^

Police Metro

Trike driver dinedo sa agawan ng pasahero

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tricycle driver nang siya ay ataduhin ng saksak ng kabaro dahil sa agawan ng pasahero, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Anahaw 1, Silang, Cavite.

Kinilala ang nasa­wing biktima sa alyas “Elmo,” 47-anyos, ­driver, residente ng Brgy. Acacia ng nasabing bayan. Habang ang suspek na si alyas “Toto,” nasa hustong gulang ay pinaghahanap ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen, alas-9:00 ng gabi sa terminal ng tricycle sa lugar nang lapitan ng biktima ang suspek at kinompronta hinggil sa pag-agaw nito ng pasahero sa kanyang pamangkin na isa ring tricycle driver.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na agad namang naawat ng mga kapwa drivers.

Umalis na ang biktima matapos ang pagtatalo, subalit sinundan ito ng suspek at inundayan nang sunud-sunod na saksak hanggang sa bumulagta.

Ang biktima ay dinala sa ospital, suba­lit, idinekla­rang dead- on-arrival.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with