^

Pang Movies

Male singer na unproffesional, nilayasan ng production staff

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinabuwisitan ng staff ng isang TV show ang isang male singer na guwapo, may hit na kanta pero pagdating sa oras eh palpak!

Bago pa man ang guesting ng singer, may plug na sa TV ang name niya. Hindi nga lang sa live episode siya guest kundi sa taped episode.

So nang matapos ang live episode, nagsimula nang mag-ayos sa taping, alam ng singer ang call time niya.

Inayos talaga ng production ang dating ng guests para smooth ang taping.

Sa male singer na nagkaproblema. Hindi siya duma­ting sa call time. Nagpatawag naman na mali-late. Pero halos patapos na ang taping eh wala pa rin siya.

Kaya nagdesisyon ang head ng show na huwag na siyang hintayin! Dumating naman ang singer pero wala na siyang inabutang tao sa studio!

Kahit kasi sinabihang huwag nang tumuloy at kinansela na ang guesting niya, go pa rin si singer pero nganga siya nang umalis sa studio!

Walk-out ang production staff sa unprofessionalism ng male singer!

DongYan, sigurado na ulit sa takilya

Ang sipag ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pag-iikot sa sinehan sa pro­binsiya upang magbenta ng tickets sa coming movie nilang Remember.

Eh kahit sure hit na ang Remember, ayaw pa ring maging kampante ng DongYan.

Eh wala nang ibang mala­Xking local film na naka-schedule ang showing this November.

Kung meron man, naku, ‘yun ang pelikulang star value at sa social media lang ang promotions kaya wag umasa na kikita ang mga ito!

After Remember, isang malaking foreign movie ang inaabangan ng mga tao and then, tutok na sila sa Pasko at sa Metro Manila Film Festival!

Kaya hindi kataka-takang Box Office King and Queen na naman sina Dingdong at Marian!

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with