Sis ni Lani Misalucha na si May Bayot, namatay!

Pumanaw na ang beteranang theater actress-singer na si May Bayot-De Castro, kapatid ng OPM icon na si Lani Misalucha.
Ibinahagi ni Misalucha ang malungkot na balita nitong Lunes ng gabi sa kanyang social media post. “Some walk beside us for years. Others leave sooner than we’re ready for. But every person we love leaves a little light behind. I love you Ate,” caption niya sa Facebook.
Si Bayot-De Castro ang kauna-unahang gumanap bilang Elsa sa stage adaptation ng Himala noong 2003.
Noong 2019, muli siyang bumalik sa Cupang bilang bahagi ng Himala: Isang Musikal. Kilala rin siya sa kanyang pagganap sa Skin Deep at Rated: PG.
Noong Hulyo, humingi si Misalucha ng dasal para sa paggaling ng kanyang kapatid na noon ay naospital dahil sa malalang komplikasyon.
Batay sa GoFundMe post noong Setyembre ni Karlyn Scali, nilabanan ni Bayot-De Castro ang “primary myelofibrosis,” isang uri ng bone marrow cancer.
Ashley, ayaw ilantad ang usapan nila ng ina
Ibinahagi ng Red Crown star na si Ashley Ortega ang kasalukuyang magandang takbo ng ugnayan nila ng kanyang ina.
Unang ibinunyag ni Ashley ang tatlong taong hindi nila pag-uusap ng kanyang ina noong sumali siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong unang bahagi ng 2025.
Nag-ugat ang kanilang tampuhan nang bigla siyang bumukod mula sa pamilya upang mamuhay nang independent.
Inamin ng aktres na labis na nasaktan ang kaniyang ina sa kanyang pag-alis, na siyang naging dahilan ng tatlong taong kawalan ng komunikasyon sa pagitan nila.
Ipinaliwanag ni Ashley na unti-unti nang nag-aayos ang kanyang relasyon sa kanyang ina. Gayunpaman, mas pinipili niyang panatilihing pribado ang prosesong ito. “Okay naman kami, nasasabi ko rin naman sa mga tao na when it comes to family problems, I really wanna keep it mas private. Again, since na-open up ko na rin siya sa PBB house, hindi rin maiwasan ng mga tao na itanong ‘yan.
“Ang masasabi ko, things are better than before with my mom. Malaki talaga ‘yung tampuhan before, now it’s getting better. It’s not a big deal anymore for us. Nagmu-move forward [na kami],” ani Ashley.
- Latest





















