PANOORIN: Air Supply, muling nag-concert sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Muling nag-hatid ng kanilang mga klasikong awitin ang Australian soft rock duo na Air Supply sa concert nito sa Smart Araneta Coliseum noong Lunes, Oktubre 26.
Tampok sa pagtatanghal nina Graham Russell at Russell Hitchcock ang mga hit nilang “All Out of Love,” “Lost in Love” at “Making Love Out of Nothing at All,” na patuloy na pinakikinggan ng mga tagahanga mula pa sa iba’t ibang henerasyon.
Bahagi ang Manila concert ng “A Matter of Time” tour ng duo, na kilala sa mga awiting pag-ibig na naging bahagi ng kanilang limang dekadang karera sa musika.
- Latest




















