4 lalaki sa kotse, todas sa ambush!

COTABATO CITY, Philippines — Apat na lalaking sakay ng kulay silver na kotse ang kumpirmadong patay matapos tambangan ng armadong grupo habang bumabagtas sa highway ng Barangay Tulunan, sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur kahapon.
Sa magkakahiwalay na pahayag ng mga local executives sa Datu Anggal at ni Col. John Mangahis, director ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, ang apat na biktima na pinaniniwalaang hindi mga residente sa lalawigan ay pawang idineklarang dead-on-the-spot sa insidente dulot ng tinamong mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, pagsapit ng mga biktima sakay ng silver car sa Brgy. Tulunan, ng nasabing bayan, nang biglang lumutang sa gilid kalsada ang armadong kalalakihan at agad silang pinagbabaril gamit ang mga assault rifles.
Patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ng Datu Anggal Municipal Police Station at mga barangay officials na rumesponde sa insidente ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon kay Brig. Gen. Edgar Catu, commander of 6th ID, tumutulong din ang Army intelligence personnel sa pagkilala sa mga salarin.
- Latest




















