^

Probinsiya

3-araw na expo sa Cebu pinuri ng philanthropist

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines — Inaasahang magbubukas ng bagong oportunidad sa negosyo, magpapalakas ng ugnayan ng mga destinasyon sa mga isla ng Pilipinas, at lilikha ng dagdag na kabuhayan ang 2026 World’s Best Island (WBI) Travel and Trade Expo, ayon kay Cebu businessman at philanthropist Blake Nelson Go.

Suportado ni Go ang inisyatibo ni Cebu Governor Pamela S. Baricuatro na idaos sa Cebu ang tatlong araw na expo na nagtapos noong Oktubre 25, 2026, sa Activity Area ng Ayala Center Cebu. Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng turismo, travel industry, negosyo at mga posibleng mamumuhunan.

Ayon kay Go, makatutulong ang mga ganitong pagtitipon upang makahikayat ng pamumuhunan, makalikha ng hanapbuhay at mapalawak ang kooperasyon ng mga destinasyon sa bansa. Aniya, makatutulong din ito sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Ang expo ay nagbukas ng mga oportunidad para sa mga negosyo at komunidad sa pamamagitan ng pag-uugnay sa mga destinasyon at mga kalahok sa industriya. Ipinakita ng inis­yatibo ni Gov. Baricuatro kung paano makatutulong ang mga programa sa lokal na antas sa pag-unlad ng ekonomiya at sa mga layunin ng pambansang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Marcos,” pahayag ni Go. Inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu sa pamamagitan ng Cebu Provincial Tourism Office (CPTO), ang expo na may temang “Beyond Paradise: Connecting Islands, Creating Opportunities.”

Binigyang-diin naman ni Gov. ­Baricuatro ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapalawak ang oportunidad para sa mga lokal na negosyo at komunidad.

PHILANTHROPIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with