Sakit ni Caridad, inamin ng anak!

Paminsan-minsan na lang nating nababalitaan ang veteran actress na si Caridad Sanchez. Hindi na rin ito napapanood sa small and big screen matapos itong ma-diagnose ng dementia.
Ang panganay na anak ni Caridad, ang writer at freelance communications professional, grief educator and coach na si Cathy Sanchez-Babao ang nag-share ng balita na may dementia na ang kanyang 96-year-old mom. Na kinokontra naman ng isa niyang kapatid.
Dalawa ang anak ni Caridad, sina Cathy at Alexander Joseph or AJ.
Bukod sa kuwento ng sariling ina, si Cathy ay may kakaiba ring life journey. Sumakabilang-buhay ang kanyang amang si Vincent Babao when she was 16 years old at 47 naman ang kanyang inang si Caridad.
Nung 1998 ay pumanaw naman ang kanyang four-year-old son na si Migi sa heart operation habang nilalabanan at nagpapagaling naman ngayon si Cathy sa kanyang sakit na breast cancer.
Pero sa kabila nito ay nananatili pa ring positibo ang pananaw ni Cathy habang kinukumpleto niya ang kanyang treatment.
Hiwalay na si Cathy sa kanyang first husband kung kanino siya may tatlong anak, si Pia (na isang psychiatrist), ang namayapa niyang second child na si Migi at ang bunsong si Leon na isang writer at playright at isa ring Palanca awardee katulad niya (Cathy).
Kahit may iniindang sakit, tuloy ang buhay kay Cathy Sanchez-Babao, pinsan ng popular broadcast journalist at vlogger na si Julius Babao.
Atasha, pulido na ang Bongga...!
Hindi namin napanood ang gala night ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical with Atasha Muhlach playing the titular role pero pinanood namin ito last Friday, Oct. 23 ng gabi sa Newport Performing Arts Theater ng Newport Resorts World.
We were so impressed sa husay na ipinamalas ng twin sister ni Andres Muhlach gayundin ang iba pang bumubuo ng cast tulad nina Anthony Rosaldo, KD Estrada, Jackie Lou Blanco, John ‘Sweet’ Lapus at iba pang theater veterans.
Mukhang na-overcome na ng dalaga ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach ang kaba dahil pulidong-pulido na ang kanyang performance that evening.
Although hindi inabutan ni Atasha ang Manila Sound era nung 1970s kung saan kasama ang mga classic hit songs ng grupong Hotdog, she willingly embraced the role of Annie Batungbakal, ang character na binuo at pinasikat ng Hotdog kasama ang iba pang pinasikat na awitin ng grupo nung dekada ‘70 tulad ng Manila, Pers Lab, Panaginip, Lumapit Ka, Miss Universe ng Buhay Ko, Bongga Ka ‘Day, Langit na Naman, Bitin Sa ‘Yo, Ikaw Pa Rin, Annie Batungbakal at Dying to Tell You at iba pa.
Sa hindi pa nakakapanood, may pagkakataon pa kayong habulin ito sa last weekend of this month.
- Latest




















