^

PSN Palaro

Pang-limang sunod kinana ng Fighting Maroons

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Pang-limang sunod kinana ng Fighting Maroons
UP Fighting Maroons.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Kinadena ng Universi­ty of the Philippines ang pang-limang sunod na pa­nalo matapos paluhurin ang University of the East, 101-70, sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament kahapon sa Ateneo Blue Eagle Gym.

Sinimulan nina Choi Pa­lanca, Sean Franco, at LA Andres ang mala­king ratsada ng Fighting Ma­roons bago naibaba ng Red Warrios ang hinahabol sa 11 puntos sa hu­ling bahagi ng third quarter.

Nagtulong sina Palanca, Franco at Andres sa 17-2 atake ng UP na nag­palaking muli ng kanilang abante sa 87-61 sa 6:27 ng fourth period dahilan para magaan nilang naku­ha ang panalo.

Nasolo ng Fighting Ma­roons ang top spot ng team standings tangan ang 7-2 karta, habang na­baon lalo sa ilalim ang Red Warriors na wala pa ring naipanalong laro sa siyam na salang.

“What we like in the game earlier sabi ni coach Gold (Monteverde), espe­cially for the players that came off the bench, the excitement was there to play,” sabi ni assistant coach Christian Luanzon.

Pinamunuan ni Veejay Pre ang UP sa kanyang ini­rehistrong 14 points, anim na rebounds at li­mang assists at nag-am­bag ng 13 markers si big man Gani Stevens kasunod ang 12 points ni Choi Palanca.

Tumikada naman si Toper Lagat ng 23 mar­kers, dalawang boards at isang assist pero hindi sapat upang ibigay sa Red Warriors ang unang panalo ngayong season.

Bumakas si Mo Tañe­do ng 11 points, tatlong assists, dalawang rebounds at dalawang steals.

Magkakaroon ng ma­habang pahinga ang Figh­ting Maroons bago bu­malik sa hardcourt kung saan ay makakatapat nila ang Adamson University Soaring Falcons sa Nobyembre 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro, mu­ling pi­nana ng De La Salle Green Archers ang University of Santo Tomas  Growling Tigers, 92-80, ba­gama’t hindi naglaro si star guard Jacob Cortez

CHOI

UP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with