^

Police Metro

2 PAF aircraft nagsalpukan sa ere: 4 piloto patay!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpirmadong patay ang apat na piloto makaraang magsalpukan sa himpapawid ang dalawa mula sa pitong SF 260 aircrafts na nagsasagawa ng training flights sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Sa paunang ulat, ang dalawang sangkot na aircraft na may tail no. 032 at tail no. 037 ay may mga sakay na pilot at co-pilot na nakilala lang sa mga pangalang 1Lt. Acebuque, Lt. Penaflor, Major Rojo, at Capt. Cabangcala.

“We mourns the loss of four pilots in an aviation accident involving two SF 260 aircraft during a training flight,” pahayag ni Col. Alvin Jay Capinguian, spokesperson ng PAF.

Bandang alas-3:51 ng hapon, nang mangyari ang salpukan ng dalawang SF-260 training aircraft sa nasabing lugar.

“An investigation is underway to determine the cause of the accident, while all SF 260 aircraft have been temporarily grounded for safety measures,” ayon kay Capinguian.

Sa panayam sa isang opisyal ng PAF, nasunog sa himpapawid ang dalawang nagsalpukang aircraft kaya imposible na makaligtas mga piloto nito, lalo pa’t walang kapabilidad ng “ejection” ang naturang mga training aircrafts. — Arnell Ozaeta, Ed Amoroso

 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with