^

Punto Mo

Ibon na nasira ang tuka, nabigyan ng 3d-printed beak prosthetics!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG sugatang ibon sa Amsterdam, Netherlands ang gumawa ng kasaysayan matapos maging kauna-unahang ibon na nabigyan ng dalawang 3D-printed prosthetic beaks: isa para sa upper beak at isa para sa lower beak.

Ang southern ground hornbill na inaalagaan sa Artis Zoo ay nasira ang kanyang upper at lower beak, dahilan upang mahirapan itong kumain at alagaan ang sarili. Dahil dito, nakipagtulungan ang zoo sa Veterinary Medicine department ng Utrecht University upang gumawa ng custom-made prosthetics.

Gamit ang mga natirang bahagi ng orihinal nitong tuka, pati na ang scan ng ulo at mga stump, gumawa ang team ng dalawang prosthetic beaks mula sa plastic gamit ang 3D printing. Ikinabit ang mga ito sa pamamagitan ng surgery at mga turnilyo.

Ayon sa Artis Zoo, may mga nauna ng kaso ng mga ibong nabigyan ng isang artificial beak, ngunit ito umano ang unang pagkakataon sa scientific literature na isang ibon ang nabigyan ng parehong upper at lower beak prosthesis.

Isa sa pinakamalaking pangamba ng veterinary team ay baka hindi masanay ang hornbill sa bagong tuka dahil wala itong sensation o pakiramdam gaya ng natural na beak. Ganunman, may nakahanda pa silang plan B kung sakaling tumigil itong kumain.

Dahil naka-screw lamang ang prosthetics, maaari itong alisin kung kinakailangan. Ngunit ilang oras lamang matapos ang operasyon, nagsimula nang gamitin ng ibon ang bago nitong tuka.

Kinabukasan, nakapulot na umano ito ng isang mouse mula sa lupa at nakapagpakain sa sarili nang walang tulong.

Patuloy ngayong mino-monitor ng zoo ang kanyang behavior at kung paano siya masasanay sa dagdag na bigat at bagong hugis ng beak.

Gumawa rin ang team ng spare prosthetic parts sakaling masira ang mga kasalukuyang nakakabit.

Bukod sa pagkain, inoobserbahan din ng mga eksperto kung paano maaapektuhan ng bagong beak ang pakikitungo niya sa kanyang female partner.

Umaasa ang zoo na maaari din itong makatulong sa hinaharap kung magkaroon ng mga sisiw ang pair, dahil mahalaga ang maayos na beak sa pakikipag-interact at pag-aalaga ng mga anak.

 

PROSTHETICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with