^

Police Metro

Castro, ‘treasure’ kaya safe sa sibakan ng PCO

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng bagong Presidential Communication Office (PCO) acting Secretary Lino Cayetano sa kanyang pag­harap sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps na mananatili sa kanyang puwesto si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na itinuturing umanong “treasure” ng gobyerno.

Ayon kay Cayetano, naipaparating ni Castro sa publiko ang mga ginagawang programa at mga isyu sa gobyerno kaya gusto niya itong makatrabaho sa mga programa ng admi­nistrasyon.

Sa pag-upo ni Cayetano sa PCO, nagsumite ng courtesy resignation ang mga opisyal na nasa ilalim ng tanggapan, at aaksiyunan niya ang mga ito sa mga susunod na araw.

Hindi naman aniya pakikialaman ng bagong kalihim ang matitinding banat ni Castro sa mga isyu lalo na kung may mga paninira kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa gobyerno.

Suportado rin ni ­Cayetano ang paraan ni Castro sa paghahayag ng mga tugon ng pamahalaan kahit pa tila ito ay palaban.

LINO CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with