^

Probinsiya

Magsasaka todas sa suwag ng alagang kalabaw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka todas sa suwag ng alagang kalabaw
Sa report nangyari ang trahedya sa bukirin ng biktima as Brgy. Pinamaloy, Don Carlos ng lalawigan noong Martes bandang alas -3:40 ng hapon.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 54-anyos na magsasaka nang pagsusuwagin ng alaga nitong kalabaw matapos na magwala ang hayop habang ginagamit ito sa pag-aararo sa bukid sa bayan ng Don Carlos, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Sa report nangyari ang trahedya sa bukirin ng biktima as Brgy. Pinamaloy, Don Carlos ng lalawigan noong Martes bandang alas -3:40 ng hapon.

Ang nasawing biktima ay hindi tinukoy ang pagkakakilanlan maliban sa pagsasabing residente ito ng Purok Mabuhay, Brgy. Pinamaloy ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nagsasaka ang biktima nang biglang huminto ang hayop dakong alas-3 ng hapon na hinihingal sa matinding pagod at sa gitna nang matirik na sikat ng araw.

Hinagupit ito ng magsasaka, tumayo ang hayop, pero sandali lamang ito at muli itong huminto na nagpapahinga bunga nito ay pinaghahagupit ito ng kaniyang amo ng ilang sunud-sunod. 

Naging bayolente ang hayop na pinagsusuwag ang kaniyang amo na nagtamo nang matitiding sugat sa kaniyang katawan partikular na sa bahagi ng ulo nito. Matapos ang insidente ay nagtatakbo naman ang nasabing kalabaw sa bahagi ng kagubatan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang nasabing magsasaka, pero nabigo nang maisalba ang buhay nito sa rami ng dugong nawala sa kaniyang katawan at malalim na sugat na tinamo nito. 

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with