^

Probinsiya

6 dakma sa P39.7 milyong puslit na yosi

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P39.75 milyong halaga ng hinihinalang ipinuslit na sigarilyo sa tatlong magkakahiwalay na operas­yon sa Misamis Occidental, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Sur noong Oktubre 20 hanggang 21 na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na kalalakihan.

Dalawang lalaki ang unang inaresto sa Brgy. Silanga, Tangub City, Mi­samis Occidental noong Oktubre 20, matapos masamsam ang isang truck na may kargang sigarilyong nagkakaha­laga ng P6.49 milyon. Dinala ang mga suspek at nakumpiskang mga produkto sa Tangub City Police Station para sa dokumentasyon at nakatakdang turn-over sa Bureau of Customs (BOC).

Kinabukasan, isa pa ang nadakip sa Brgy. Poblacion, Malangas, Zamboanga Sibugay, kung saan nakumpiska ang 100 master cases ng iba’t ibang sigarilyong nagkakahalaga ng tinatayang P5.73 milyon. Nasa kustodiya na ng Malangas Municipal Police Station ang suspek at mga nakumpiskang sigarilyo.

Sa ikatlong operasyon sa Purok Logpond, Old Labangan, Labangan, Zamboanga del Sur, tatlong lalaki, edad 31, 38, at 40, ang inaresto matapos makumpiska ang 448 master cases ng mga sigarilyong walang kaukulang dokumento at may tatak na Modern. Nasabat ang isang puting Isuzu wing van na umano’y ginamit sa pagbiyahe ng mga produkto. Tinata­yang P27.53 milyon ang kabuuang halaga ng mga sigarilyo at sasakyan.

Dinala ang mga suspek sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Zamboanga del Sur Provincial Field Unit para sa dokumentasyon.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with