Belle, dinamay sa ‘panaginip’ ng baby doll kay Donny!

May pilit idinadawit ang ka-love team ni Donny Pangilinan na si Belle Mariano sa isyu ni Baby Doll Juby dahil sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday kung saan may mga pahayag ito tungkol sa pagsi-sexualize sa aktor.
May nag-comment ng “OA love team pa more. Ung halikan nga ni Belle na 24 years old takam na takam ka, ito napaginipan lang andumi na ng isip mo.
“Paano kung si Belle nagsabi nyan on national TV.
“Kilig2x o makipagpuksaan ka kung issue un sasabihin mo jowa naman nya yan.”
Sagot ng fan nina Donny at Belle, “WTF? B would never have that kind of mindset. Ew disgusting of you to assume that things.”
Dito na nagsimula ang sagutan ng fans ng DonBelle at non-fans ng love team. May nabanggit ng Republic Act at may nagpayo kay Donny na magdemanda at mamili ng kaibigan. Pero, hindi naman yata friends sina Donny at Baby Doll Juby.
Catriona, front row kahit ‘di rumampa!
Hindi man rumampa sa runway ng Victoria’s Secret Fashion Show, umeksena pa rin si Catriona Gray, pinagtinginan siya at mayroon pa ngang nag-doble ng tingin sa kanya.
Kitang-kita si Catriona dahil sa front row siya nakaupo ng venue kung saan ginanap ang fashion show. Nag-post ito ng mga kuha sa VS Fashion Show at may mga nag-comment na sana sa susunod, kabilang na siya sa rumarampa sa runway.
- Latest


















