^

Bansa

Co humirit ng 5 percent dagdag ‘kickback’ sa infrastructure — Alcantara

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Co humirit ng 5 percent dagdag ‘kickback’ sa infrastructure — Alcantara
Henry Alcantara

MANILA, Philippines — Inihayag ni dating­ DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa Sandiganbayan na umano’y humirit si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng dagdag na 5 porsiyentong commitment fee para sa mga infrastructure project matapos mahalal na House Speaker si Martin Romualdez noong 2022.

Ayon kay Alcantara, mula sa dating 20 porsiyentong kickback, nais umanong itaas ito sa 25 porsiyento bago ilatag ang 2023 National Expenditure Program (NEP). Aniya, nagsisimulang ibigay ang commitment fee kapag naisama na sa NEP ang mga proyekto, habang ang natitirang balanse ay ibinibigay kapag naisama na ang mga ito sa General Appropriations Act.

Gayunman, inamin ni Alcantara na wala siyang direktang nalalaman kung may bayad na natanggap ang mga mambabatas dahil sina Co at dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo lamang ang kanyang na­ging kausap. Sa kabila nito, iginiit ng prosekus­yon na sinusuportahan ng kanyang testimonya ang alegasyong nagdadala si Co ng pera para sa ilang mambabatas, kabilang si Romualdez sa pamamagitan ng kanyang mga dating bodyguard.

DPWH

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with