^

PSN Showbiz

Cristy Fermin sinagot ang ‘lawyer up’ ni Claudine

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cristy Fermin sinagot ang ‘lawyer up’ ni Claudine
Claudine Barretto

“Wow! Big words! Ipakukulong daw niya ako? Siguruhin niyang may merito ang kasong isasampa niya sa piskalya pa lang! Ano, mauuna pa akong makulong sa mga nangurakot ng male-maletang salapi sa gobyerno? Look who’s talking!” sagot ni Nay Cristy Fermin kahapon nang tanungin ko tungkol sa cease-and-desist letter ni Claudine Barretto dahil diumano “untruthful, scandalous, and damaging” na sinabi ni Nay Cristy tungkol sa mental health nang isugod ito sa hospital recently.

Nabanggit ni Nay Cristy na : “Si Claudine Barretto mismo ang naglabas sa kanyang IG na nasa hospital siya… pero walang sinabi kung anong dahilan ng kanyang confinement.  Bakit? Ano nanaman ito? Panibago ba ito para mapag-usapan lang?”

“Tapos after one day, lumabas ‘yung sa braso, so maraming nagsabi na nagpaliit lang, nagpa-lipo ng braso. Sabagay, aminado naman siya na bipolar siya… na anytime, meron ‘yung pagsumpong.”

“Alam ko kasi ‘pag naoospital si Claudine, si Gretchen ang sumasagot.”

Opinion lang naman ang sinabi ni Nay Cristy at pwede naman sumagot si Claudine.

Ini-upload ni Claudine ang nasabing sulat ng kanyang abogado kay Nay Cristy na beterana na sa demanda pero lahat ay nalulusutan niya.

Kamakailan lang ay nanalo siya sa demanda nina Bea Alonzo, Sharon Cuneta, at iba pa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with