Ka Tunying, ‘di na takot sa death threat!

Hindi ikinakaila ng veteran broadcaster at negosyanteng si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na minsan ay pumapasok sa kanyang isipan ang maagang pagreretiro sa kanyang pagiging broadcast journalist para maharap niya nang husto ang demands ng kanilang lumalagong mga negosyo ng kanyang wife na si Rossel Velasco-Taberna.
Pero hindi umano niya maiwan ang trabahong sobra niyang minahal sa kabila ng challenges na kinakaharap ng isang radio commentator. Hinding-hindi umano mapapantayan ng pera ang trabaho ng isang broadcaster na minsan ay nalalagay ang sariling buhay sa linya.
Hazards of the trade na ang minsang nakakatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay. Sa halip na matakot ay lalo lamang niyang ilalantad ang katotohanan.
Although marami na rin siyang sinuong bilang isang radio broadcaster, nananatiling matatag si Ka Tunying na nakilala hindi lamang sa larangan ng pagbu-broadcast kundi maging sa negosyo na magkasama nilang pinasok at binuo ng kanyang misis na si Rossel.
Mula sa kanilang maliit at simpleng Tunying’s Bakery sa hometown ni Anthony in Nueva Ecija, ito’y kanilang dinala sa kauna-unahang branch ng Ka Tunying’s in Quezon City (Visayas Avenue). Ang bakery ay naging coffee shop at nag-expand sa pagiging isang restaurant na nagkaroon ng branches sa iba’t ibang lugar at kasama na rito ang kanilang branch in Tagaytay.
Bukod sa Ka Tunying’s, binuo rin nila ang Outbox Media Powerhouse Corporation na personal na pinamumunuan mismo ni Mrs. T (for Taberna) na si Rossel kasunod na rito ang pagkakaroon nila ng sariling commissary for their fast growing Ka Tunying’s business.
Kamakailan lamang ay nag-launch ang TGC ng open house na ginanap sa The Metrotent in Quezon City para naman sa potential business partnership sa mga corporate and individual entrepreneurs na gustong mag-develop ng sarili nilang negosyo and brand sa tulong ng TGC.
Pops, may repeat agad?!
Although may natitira pang mahigit isang buwan bago ang nalalapit na anniversary and pre-birthday concert ng concert queen na si Pops Fernandez on Nov. 26, 2026, 8 p.m. at the Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts in Pasay City, halos sold-out na ito at nagbabadya na magkaroon ito ng repeat on Jan. 29, 2027.
Pinamagatang POPS, ang upcoming concert ng ex-wife ng Concert King na si Martin Nivera ay produced ng EchoJham at DSL Production na pinamumunuan mismo ni Pops.
Magiging special guests sa POPS concert ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, Martin Nievera, Vina Morales, Erik Santos at Jay Durias (ng South Border) with her godmother na si Helen Gamboa-Sotto na first time maggi-guest sa concert ng Concert Queen. Ito’y nakatakdang idirek ni Calvin Neria with Pops’ favorite musical director na si Homer Flores as musical director.
- Latest























